Sunday, October 20, 2013

SA DUYAN NG KATAHIMIKAN





Marahang pagpikit
at pag dilat
ng mga durungawang
dati’y nakapinid.

Upang makapasok
ang hangin
na malumanay
kung mangusap.

Dito.
Tayo ay idinuduyan
ng katahimikan
tinutupad ng langit
ang kanyang
mga panatag
ng mga panata.

Di ba’t tuwing
tahimik lamang natin
natatamo ang lahat?

At lahat ng kagandahan
sa mundo
yy tahimik lamang
kung magpamalas ng galling
Ang pagbuka ng santan
Ang unang halik.
Ang araw na sumisikat.
Ang mga di pa
makaunat na mga
panaginip.
At ang mga kabog ng unang sinta.

Hayaang iduyan tayo
ng katahimikan sa
kanyang marahang mga bisig.


Jay Protacio Mendoza
(1978 -       )

No comments:

Post a Comment

Sumabay sa Alimbukay