Tuesday, October 22, 2013

Dahil (Old Poem re-written)

Sinusulat ko ang tula dahil;
maraming paro-paro sa aking isipan
at nakakawala ng sabay sabay,
at wala akong magawa upang pigilan.
Dahil pinagmamalabisan
ng mga dambuhala ang mga
masang anak-pawis
ngunit di ako malabas
ng bahay para maki welga...
Dahil,
maglalaba pa ako,
wala akong pamasahe
o di kaya'y iba ang inatas
sa akin ng aking kolektib...
at iba ang gagawin namin
ng mga kapwa aktibista

Sinusulat ko ang tula dahil
minsa'y nakaramdam ako
ng init ng katawan...
ngunit di ko mailabas...
Wala akong pera.
Wala akong chicks.
May tao pa sa banyo.
O di kaya'y natatakot lang
akong lumapit sa mga babae.

Sinusulat ko ang tula dahil
hindi ko malapitan
ang gusto kong babae
dahl may nobyo na sya
at poging di hamak sa akin.
Dahil mukhang anghel ang lahat
ng makita kong babae
at dahil wala akong babae...

At sa huli:

Sinusulat ko ang tula dahil
pinagmamalabisan ng mga
dambuhala ang mga
masang anak-pawis
habang nagwewelga ako
kasama ang mga babaeng mukhang anghel
at umiinit ang katawan ko sa tao sa banyo

Dahil wala akong pera...
at wala akong chicks...

Sinulat ko na lang ang tula...

Jay Protacio Mendoza
(1978 -     )




*This piece was written sometime in 1999, back when I was still in college. I tried to recall the original and came up with this.

No comments:

Post a Comment

Sumabay sa Alimbukay