Friday, July 31, 2009

Para sa Huling Pag Lubog ng Araw

I Love You Till The Ocean Takes Us All

At natapos na
ang hindi pa nasimulan.
Huling sulyap sa mga
anino
na muli't muli'y tatawid
sa atin.

Bagamat ang bukas ay ganito
pa rin ang dadatnan natin.
Mahalaga ay nandito ako
sa kanyang pagpanaw.

Ngayon ko sya nakuha,
sa panulukan ng kanyang ganda...
dahil hindi na kami
magkakilala bukas.

O dili kaya'y...
Hindi sya magpakita sa atin.



(I guess this is my ode to the sun... the only light bringer from the east... I've always had this idea that the sun we see each day is a different one... and we are strangers to each sun that rises... or perhaps a day will come when it will cease to rise... so each sunset could be our last...)
Larawan at Salita: Jay Protacio Mendoza


Lugar: Mangrove Trail, Subic Bay Freeport Zone