Dahil naibaba na ang lahat ng depensa
at lahat ng sandata'y naubos.
Tanging bala ay
ay mga pumupugak na pintig
at punglong pinapurol na ng
malayang isip.
Mga ilang saglit na tuwa
(parang walang katapusan)
at nawaglit na mga ala-ala.
Ikaw iyon. Noon.
Ngayon naman ay tayo.
Ito lang ang alam kong gyera
na parehong kampo ang masaya.
Wagi.
Maligalig pero maligaya.
June 19, 2009
Photo by: me J. Protacio
Model : My Wife
No comments:
Post a Comment
Sumabay sa Alimbukay